Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Iba ang dating at kaaliw ang mga eksena ni Kim Chiu sa bagong horror-comedy flick ng Star Cinema na “Da One Dat Ghost Away” na showing come April 18.

Mukhang may promise si Kim as a comedienne. Napanood ko ang full trailer ng pelikula kung saan makakasama niya si Ryan Bang at ang bagets loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barbers (MayWard).

Naaaliw ako sa klase ng komedya ni Kim na mula nang mapanood ko siya sa “Its Showtime” at kabatuhan niya si Vice Ganda, natatawa na ako sa kanya lalo pa’t samahan niya ng nakakaloka niyang tili at halakhak na trademark ng aktres.

For a change, hindi lang pala siya drama princess at horror princess, isa din siyang promising komedyante.

Kapag napapanood ko siya sa noontime show ng Kapamilya Network, natural ang timing niya lalo pa’t sa galing ni Vice Ganda, nasasabayan ito ng dalaga ng sarili niyang punchline na pak na pak.

Sa trailer ng movie, tawang-tawa ako sa eksena nila ni Ryan tungkol sa “utong”. Yes, about Ryan’s naninigas na nipple na kahit limang beses ko na napanood, natatawa pa rin ako kay Kim.

Sa horror-comedy film ni Kim, masusubukan na hindi lang siya pang-drama or romcom at horror, kundi keri din niya maging prinsesa ng komedya.

Last Holy Week, sa malamig na Korea nagbakasyon ang KimXi kung saan inenjoy nila ang klema with their nag-aalab ng pagmamahalan.

 

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..