Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

Tila natuluyan na ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Pumutok ang hiwalayan isyu ng dalawa nang magsimulnga ipalabas ang pelikula ng binata at ni Miss Universe Pia Wurztbach na “My Perfect You” na humahataw pa rin sa takilya.

Sabi, ikinaselos daw ni Bea ang workshop ng dalawa before the the shooting na sabi pa ng mga nakapanood ay kaselos-selos daw dahil very intimate at kahit sinong babae ay magagalit nga.

Isa rin sa dahilan ng hiwalayan ay tungkol diumano kay Queen P. (palayaw ni Pia) pero ang beauty queen, oks na oks sa lovelife niya with boyfie Marlon Stockinger.

Tulad sa previous relationship ni Bea with Zanjoe Marudo. Walang malinaw na rason at dahilan na nai-share ang dalawa tungkol sa hiwalayan nila ng “ex-boyfriend.”

Sa kaso ng rumored split-up ni Bea at Ge, same thing, just like the case of the Bea and Zanjoe split-up na walang nakakaalam ng rason na nakasanayan na lang ang split na sila.

Nitong nakaraang Holy Week, vacation both ay magkahiwalay sila ng destinasyon.

After kasi ng Greece show ni Gerald ay sa Paris (France) siya tumuloy habang si Bea naman ay sa Japan with her family.

Kung oks sina Bea at Gerald, at least isa sa kanila ay humabol sa Paris or sa Japan to be with their respective partners di ba?

Kayo, ano sa tingin nyo?

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..