Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

ni Krissy Dimayuga

MAGSASAGAWA ang ABS-CBN ng grand audition caravan para sa mga darating nilang season ng walong TV programs.

Ang mga programang ito ay ang reality show na Pinoy Big Brother at The Voice singing competition.

Ang mga nagnanais din maging Kapamilya stars ay puwedeng mag-audition sa Tawag ng Tanghalan, Dance Kids, Pilipinas Got Talent, at Little Big Shots.

Maging ang producer ng long-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya ay makikinig sa mga real-life stories, na posibleng itampok sa mga upcoming episode ng MMK.

Ang auditon ay tinawag na Star Hunt, at ito’y magaganap sa Araneta Coliseum sa April 20 para sa mga aspirant ages 3 to 17, at sa April 21 para naman sa 18 years and older. Magbubukas ang gate ng 7:00 a.m..

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..