Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Ipinahayag ng Zumba Queen na si Regine Tolentino na sobra siyang nag-enjoy sa ginanap na Comic Con Asia 2018 sa Mall of Asia noong March 24-25.

Bukod sa naging host ng naturang event si Regine with Daiana Menezes, mayroon ding booth dito si Ms. Regine, ang Regine’s Boutique, RT Rentals at RT Studios. Natutuwa nga siya dahil maraming nagpag-pictures at inquiries sa kanyang inilagay na booth dito.

“Yes, super-enjoy ako sa first Comic Con Asia 2018. Sobrang daming tao, events, exhibitors and pakulo ng mga organizers para mapasaya ang mga attendees. Halos lahat din ng mga dumalo ay naka-costume ng mga favorite characters nila,” saad ng segment host ng “Unang Hirit.”

Dagdag pa ni Regine, “Ang mga international stars na dumalo sa Comic Con Asia 2018 ay sina Stephon Marbury, Walter Jones, Dacre Montgomery, Holland Rodan, the voices of Overwatch, and international Vloggers, and cosplayers. At sa mga local stars natin, siyempre nangunguna riyan si Sen. Manny Paquiao.

“Ang mga artista naman na nakihalok ay sina Arci Muñoz, Daiana Menezes, Bret Jackson, Myrtle Sarrosa, Eruption, Michael V., IC Mendoza, Denise Laurel, Ivan Dorschner, Sofia Gonzales, at marami pang iba.”

Kamusta ang feedback ng mga tao sa booth mo?

Tugon ni Ms. Regine, “Yes ang saya ko na nakasali ang Regine’s Boutique, RT Rentals and RT Studios sa first ever Comic Con Asia 2018.

“Ang daming dumaan sa booth ko para magpa-picture at mag-inquire about our products and services. Dumaan sina Denise Laurel, IC Mendoza, Myrtle Sarrosa, Arci Muñoz, mga beauty queens, models, at marami pang iba.”

Sino yung suot mong costume roon?

“Ang suot ko ay si ‘Miya’ from Mobile Legends, uso siya sa mga mahilig maglaro ng cellphone games. Suggestions ito ng mga anak ko and friends from Facebook. Four days namin ito ni-rush para umabot sa Comic Con Asia. Masaya ang mag-Cosplay dahil you can project a different side of yourself and meet people with the same interests and passion.

“After doing cosplay for different cosplayers like Alodia and Ashly Gosiengfiao for more than 15 years, (mga bata pa sila noon) akala ko ang cosplay ay para sa mga teenagers lang. But I realized that cosplay is for everyone, and it’s so fun to do, bonding din namin ng mga bata to make the costumes and attend events like these,” saad pa niya.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..