Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Isa sa mga bagong ipinakilalang GMA Artist Center stars ang young actress na si Kyline Alcantara.

Ayon sa kanya, sobrang saya at thankful siya dahil binigyan siya ng GMA ng chance na maging parte ng network. Bukod pa rito, kasama siya sa top-rating serye na “Kambal, Karibal” kung saan gumaganap siya bilang si Cheska.

Sa takbo ng kwento ngayon, nasa katawan pa rin niya ang kaluluwa ni Crisan (Bianca Umali) kaya break muna siya sa pagiging kontrabida.

Pero sa recent interview namin kay Kyline, inamin niyang comfort zone raw niya ang pagiging kontrabida dahil mas nalalaro niya ang karakter. Either way, lutang pa rin ang husay umarte ni Kyline kaya gabi gabi ay talagang tinututukan ng mga manonood ang mga mas umiinit pang eksena sa “Kambal, Karibal.”

Ngayong Semana Santa, balak umuwi ni Kyline kasama ang pamilya niya sa Bicol para dalawin ang lolo’t lola niya. Tradisyon at panata na raw nila ang mag-Visita Iglesia at sumama sa prusisyon kaya naman hindi rin nila ito palalampasin ngayong taon.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..