Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Labis na nagpapasalamat si Sancho delas Alas dahil kasali pa rin siya sa casts ng top rating TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Gumaganap dito ang panganay na anak ni Ai Ai delas Alas bilang si Greco na miyembro ng Pulang Araw na naging Vendetta, later-on.

Tila nagbabalik na ang matitinding aksiyon sa mga nakalipas na episodes ng Kapamilya serye na pinagbibidahan ni Coco Martin, kaya marami sa casts nito ang natigok na.

Last week, akala ng maraming manonood nito ay patay na si Lito Lapid bilang si Romulo Dumaguit, ngunit buhay pa pala ito. Sa engkuwentro ring ito nabaril si Greco (Sancho). Kaya sobrang thankful siya dahil hindi napuruhan at buhay pa rin ang character niya rito.

“Sobrang thankful ko po at buhay pa rin yung character ko sa “Ang Probinsyano,” dati kasi, akala ko ay hanggang doon lang ako sa kampo. Tapos yun, hanggang ngayon po ay nandito pa rin ako, hehehe. Sobra-sobrang blessing po sa amin itong Probinsyano, kuya,” esplika ni Sancho.

Idinagdag pa niya ang wish na magtagal pa siya sa seryeng ito.

“Siyempre naman po kuya… kumbaga, naging parte na po ito ng araw-araw na pamumuhay namin. Iba po kasi rin yung samahan na nabuo namin dito kuya, from crew ‘tsaka staff hanggang sa mga artista po, lahat tropa… ‘tsaka lagi po kaming excited pumasok sa trabaho. Hehehe,” saad ni Sancho.

Nabanggit din niya na talagang pinaghandaan nila nang todo ang matitinding action scenes na napanood dito last week.

Wika ni Sancho, “Grabe po yung episodes na yun kuya… tatlong araw po naming binuo yun. Grabe po yung tandem nina Kuya Coco ‘tsaka ni Tito Sen (Lito) pagdating po sa pagdidirek ng mga action scenes. Dugo’t pawis po talaga ang ginugugol nila para lang po mapaganda nang husto ang ‘Ang Probinsyano.’”

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..