Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Unstoppable talaga si Bianca Umali sa halos lahat ng bagay na gawin niya. Mabait na, matalino pa at higit sa lahat mapagmahal sa pamilya.

Kamaikailan nga, lalo pa ngang umangat ang husay niya pagdating sa pag-arte dahil matapos na matagumpay na mapagpalit ni Crisel (Pauline Mendoza) ang katawan nila ng kanyang kakambal na si Crisan (Bianca Umali) kung saan napunta ang kaluluwa ng huli kay Cheska (Kyline Alcantara), mas napansin at kinabiliban hindi lang ng fans niya kundi ng lahat ng manunuod ng “Kambal, Karibal” ang galing ni Bianca sa pag-arte.

Mapa-kontrabida man daw o pag-iyak sa mabibigat na eksena, napaka-effective ng Kapuso actress. Kuhang-kuha rin nito ang mannerisms na ginagawa ni Pauline tuwing gaganap siya bilang Crisel. Ayon pa sa mga nabasa naming comments ay natural lang ito at hindi pabebe sa salita man o sa galaw.

Hindi maikakailang si Bianca na ngayon ang pinakabagong “it” girl na iniidolo ng karamihan.

Sey ng netizens, napataob ni Bianca sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano sa pag-arangkada ng kanyang seryeng “Kambal, Karibal’”na patuloy na tinututukan at sinusubaybay gabi-gabi ng viewers.

Ani ng ilan, Bianca is more than just a pretty face.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..