Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Naloka kahapon ang netizens nang makita sa social media ang mga hubad na katawan ng mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero na kinunan sa isang maganda at private resort sa Batangas.

Makikita sa kanilang posts sa Instagram ang iba’t ibang pics kung saan nakabuyangyang ang kanilang magagandang katawan pero hindi naman kita ang maseselang bahagi.

Marami ang nagtaka kung anong gimik ang gustong palabasin ng mag-asawa dahil wala naman silang pino-promote na pelikula o TV shows man lang.

Pero ayon sa ating mga kaibigang showbiz authority, baka raw gusto lang i-promote ng mag-sweetheart ang lugar kung saan sila nag-stay bilang birthday gift ni Troy kay Aubrey.

Pati raw ang may-ari ng The Farm at San Benito, Lipa, Batangas kung saan sila nag-picture taking ay hindi alam kung bakit biglang nag-post ng mga ganito ang kanilang customer.

May espekulasyon na baka raw nagpapapansin lang ang dalawa para mabuhay uli ang kanilang showbiz career dahil matagal-tagal din naman silang nanahimik na sa industriya.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..