Friday 20th April 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Hindi kayang panindigan ng male starlet na si Juancho Trivino ang pag-sign niya ng dirty finger sa poster ni Alden Richards.

Makikita na tutok ang kamera sa poster ni Alden tapos ay focus kay Juancho ang camera at makikitang nag-dirty finger ang aktor at dalawang kamay pa.

Nagalit ang solid fans ni Alden sa male starlet at agad naman itong sumuko at humingi ng tawad.

“I sincerely apologize for my actions in the video that has been circulating recently. It was a bad joke not intended for Alden.

“Humihingi ako ng pasensya kay Alden for drawing him into this, and sa kanyang pamilya na nagkaroon ng ganitong issue.
@I also would like sorry to the people supporting me, to my fans who were disappointed with my actions, to my family who doest not have anything to do with this incident.

“There is no excuse for what I did, and again, I sincerely apologize.

“Having said all of these, you can expect a better Juancho and I will be more mindful of these things,” mababasa sa kanyang Twitter Account.

Anyway , dedma lang si Alden sa isyu. Mas abala siya sa launching niya ngayong araw na ito ng ini-endorse niyang Cookie’s Peanut Butter.

Aalis naman siya sa April 5 para sa “Sikat Ka, Kapuso” shows sa Apr. 7, New Jersey at sa Apr. 8, Toronto. Kasama niya sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Betong Sumaya.

May lenten special din si Aldenna ipapalabas sa Holy Monday sa Eat Bulaga.Lalabas siyang anak ni Tirso Cruz III with Sen. Tito Sotto at Joey de Leon.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..