Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Mula pilot week hanggang ngayon, ang banggaan nina Megan Young at Katrina Halili pa rin ang tinututukan araw-araw sa panghapong teleserye ng GMA 7!

Umabot na sa buhusan ng tubig at sabunutan ang kompitensya nilang dalawa at talagang nakikipagsabayan si Megan sa katarayan ni Katrina. Kung akala ng lahat ay mahinhin at reserved si Megan sa serye, mali sila dahil palaban si Mayumi!

Iba rin ang kaganapan sa “The Stepdaughters.” Wala na kasing makakapigil pa sa pag-iisang dibdib nina Hernan (Gary Estrada) at Luisa (Glydel Mercado).

Paano na haharapin nina Mayumi (Megan Young) at Isabelle (Katrina Halili) ang pangyayaring ito lalo na’t mortal enemies sila? Mas lalo kayang titindi ang hidwaan nilang dalawa o ito ang maging dahilan para magkaayos na sila? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang unang family bonding?

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..