Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Magkakaroon ng katuparan ang wish ng comebacking actor na si Mark Anthony Fernandez na makapag-guest sa FPJ’s “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Matatandaan na noong pumirma ng kontrata si Mark Anthony sa Viva Artist Agency last January ng taong ito, nabanggit ng mother ng actor na si Alma Moreno na lagi raw pinapanood ni Mark Anthony ang naturang seryeng ng Kapamilya Network. At, wish nga raw ni Mark Anthony na makapag-guest dito.

Nang makahuntahan din namin si Grae Fernandez, naikuwento sa amin ng young actor na kasabay niyang nagpapakondisyon ang kanyang amang si Mark Anthony bilang paghahanda raw nito sa pagbabalik-showbiz.

“Yes po tito, naghahanda na po si daddy sa kanyang pagbabalik-showbiz, Kaya madalas po kaming magbasketball ngayon, para maging fit siya ulit,” saad sa amin ni Grae.

Sa panayam naman kay Mark Anthony ni Korina Sanchez sa “Rated K” last January, pinasalamatan ng actor ang Viva at si Vic del Rosario.

“I thank Viva a lot for offering me and also managing me. Pero the thing behind that is when Boss Vic said to me, sabi niya, “O Mark, hanggang pagtanda na natin ito.’ Wow, I;m like, honored,” ani Mark Anthony.

Bale, ito ang TV comeback ng actor na last October 2016 ay naasunto sa possession ng marijuana. Ngunit last December 2017 ay naabsuwelto sa kasong isinampa sa kanya.

Sa latest na kaganapan naman sa “Ang Probinsyano,” parang pinatay na nga sina Don Emilio (Eddie Garcia) at Sen. De Silva (Joko Diaz). Nabaril kasi si Eddie at nahulog sa bangin sa sagupaan nila ng grupo ni Cardo (Coco). Samantalang si Joko, matapos tadtarin ng bala ni Coco sa kotse ay nahulog ang naturang kotse sa tulay at sumabog.

Sa ngayon, nauna nang pumasok sa serye sina JC Santos, Matet de Leon at ang comedian na si Jobert Austria. Kabilang pa sa mga bagong papasok sa naturang top rating TV series ng Dos sina Rowell Santiago, Edu Manzano, Dawn Zulueta, at Alice Dixson.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..