Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Magkakaroon ng panibagong rason na maghiganti si Ana (Julia Montes) matapos patayin si Celeste (Cherry Pie Picache) ni Miranda (Lorna Tolentino), ang kanang kamay ng mga Del Mundo na siya ring pumatay sa kanyang mga magulang sa Kapamilya hapon serye na “Asintado.”

Nabigo si Celeste na makahanap ng ebidensyang magpapatunay sa katiwalian ng mga Del Mundo matapos siyang mahuli ni Miranda nang pasukin nito ang mansyon ng kanyang kalaban.

Sa kanilang maaksyong paghaharap, hindi inaasahang mataamaan ng bala si Celeste at mapuruhan ito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa oras ng pag-aagaw buhay nito, natagpuan siya ng grupo ni Ana ngunit huli na ang lahat dahil hindi nila ito nailigtas. Bigo mang makahanap ng patunay sa kasamaan ng mga Del Mundo, nakuha naman ni Celeste ang isang librong pagmamay-ari ng ama ni Ana, na lalong magpapaigting sa galit niya sa mga Del Mundo at magtutulak sa kanyang bigyang hustisya ang lahay ng pinatay nilang mga inosente.

Ano nga kaya ang gagawing hakbang ni Ana ngayong wala na si Celeste?

Huwag palampasin ang serye na kasado ang pag-ibig at paghihiganti, ang “Asintado” sa Kapamilya Gold tuwing hapon sa ABS-CBN

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..