Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NEWSKO DESK

Napaiyak si Katy Perry habang nasa audition ang isang contestant ng American Idol na biktima ng isang malagim na aksidente.

Habang nagpe-perform ang contestant na si David Francisco, hindi mapigil ni Katy ang pagluha. Kasama ni Francisco sa kanyang audition ang kanyang fiancée.

Lumalabas na naaksidente si Francisco at naparalisa mula bewang hanggang paa. Sa gitna ng trahedya, nagkalapit sila ng isa sa kanyang mga kaibigang babae at ito ang nagbigay ng inspirasyon para muli siyang magsikap makagalaw.

Ang kinanta ni Francisco ay “Isn’t She Lovely” na patungkol sa kanyang fiancée at naging emosyonal si Perry dahil sa nakikitang pagmamahal ng babae sa Idol contestant.

Inamin ni Perry na hindi niya napigilang maging emosyonal sa nakikitang pagmamahalan ng dalawa.

Dahil hindi halos makapagsalita si Perry sa kanyang emosyon, ang kanyang co-judge na si Lionel Richie ang nagsalita at sinabing “The blessing of life is your spirit. If you lose your spirit, you’ve lost everything. You are inspirational… I want you to be very proud of yourself.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..