Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

Naikuwento ni Gerald Anderson sa presscon ng My Perfect You, handog ng Star Cinema at mapapanood na sa Miyerkoles na may kissing scene sila ng kanyang leading lady na si Pia Wurtzbach.

Pero ayaw mag-elaborate ng actor kung paano nila ginawa iyon. “Kung saan namin ginawa at kung bakit naming ginawa iyon, ‘yun ang dapat abangan.”

Aniya pa, isa si Pia sa pinakamaganda sa universe.

Paliwanag niya, na-excite ang mga Filipino kay Pia dahil walang napapanood ukol sa kanya. “So that makes it more exciting. Kaya sobrang na-excite ‘yung mga tao na nakapanood ng trailer na parang, ‘Wow kaya pala niyang gawin ito. Ganito pala ang hitsura niya ‘pag ganyan.’”

Pagmamalaki pa ni Gerald, halos walang make-up the whole movie si Pia. “Kaya ibang Pia ang makikita nila rito. Hindi iyong maayos na laging uma-aura sa stage. Rito ibang-iba siya. Simple lang. That makes it very very exciting. And hindi siya mahirap kaeksena.”

Ang My Perfect You ay idinirehe ni Cathy Garcia Molina.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..