Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Isa sa malakas na bet for showbiz stardom ay ang MYX VJ na si Donny Pangilinan. He is only 20 years old at ang showbiz talent niya ay performing, hosting at acting.

Anak si Donny ng aktres na si Maricel Laxa at motivational speaker at host na si Anthony Pangilinan (brother siya ni former Senator Kiko Pangilinan).

First movie ni Donny ay ang youth oriented film ni Direk Joey Javier Reyes na “Walwal” mula sa Regal Films at ang bagong show on television na ipapalabas pa lang na “Playhouse.”

Singer din ang binata with his two singles “Did You” at “Different kind of Love” from Star Music.

Isa si Donny sa limang mga boys na kabilang sa 2018 Star Magic Circle kung saan isa siya sa mga favorite ng media during the launch.

Nagmula sa Star Magic na talent management arm ng ABS ang mga kilala natin sa showbiz with the likes of Piolo Pascual, Daniel Padilla, Enrique Gil at marami pang iba.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..