Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Nanalo na naman si Allen Dizon ng Best Actor award! This time, sa 4th Sinag Maynila Independent Film Festival para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Bomba” (The Bomb).

Eto na ang ikatlong Best Actor trophy ni Allen sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Ralston Jover. Ang naunang dalawa ay sa 33rd Warsaw International Filmfest at sa Dhaka International Filmfest.

Second Best Actor naman ni Allen ito sa Sinag Maynila, na noong 2015 ay nanalo rin para sa pelikulang “Imbisibol.” Sa kabuuan, at least 30 na ang Best Actor award ni Allen sa kanyang makulay na showbiz career.

Easily, ang actor na nagsimula ng kanyang acting career sa pagpapa-sexy, ay maituturing na most awarded actor sa mundo ng showbiz ngayon.

Sa kabuuan, apat na award ang nakuha ng pelikulang Bomba, kabilang din dito ang Best Director para kay Direk Ralston, Best Actress kay Angellie Nicholle Sanoy, at Best Cinematography award para kay Pipo Domagas.

“Parang mas kinakabahan talaga ako kapag nasa Pilipinas ako eh,” panimula ni Allen nang tanggapin ang kanyang award. Ilang beses na kasing nanalo sa international film festival si Allen at nabanggit niya sa aming panayam na iba pa rin daw kapag sa Pilipinas kinikilala ang kakayahan mo bilang aktor at nananalo ka ng award.

Pagpapatuloy pa ni Allen sa kayang acceptance speech, “Direk Ralston, thank you, thank you sa tiwala. Mas happy ako (ngayon), kasi Direk nang nasa Warsaw tayo, yung gusto ko ay yung buong team, director, actors, lahat gusto kong manalo. Siyempre ngayon, mas kompleto.

“Kay Angellie thank you, para sa atin ito, dahil kung wala ka ay hindi mabubuo ang istorya ni Pipo. Sa producer ko at sa manager, Dennis Evangelista, maraming salamat. Siyempre kay Direk Dante (Mendoza) at Sir Wilson (Tieng), Sinag Maynila, maraming salamat. For the second time, at least ay naka-attend ako ngayon.

“Siyempre po ang family ko, yung wife ko, mga anak ko, sila po ang isnpirations ko. And to all the filmmakers, ipagpatuloy po natin ang paggawa ng maraming pelikula,” wika pa ni Allen.

Isang mahirap na papel ang ginampanan ni Allen sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Ralston Jover. Deaf-mute kasi si Allen dito, kaya walang dialogue at kailangang mag-rely siya sa facial expression, hand movements at sa kanyang mga mata para magpakita ng tamang emosyon na kailangan sa eksena.

Aminado si Allen na isa ito sa pinakamahirap na role na kanyang ginampanan, na kinailangan pa niyang mag-aral ng sign language sa St. Benilde-School for the Deaf.

Pero dahil bukod sa natural ang galing ni Allen bilang aktor, plus ang kanyang dedikasyon, paghahanda niya rito sa kanyang role, at sa paggabay sa kanya ni Direk Ralston, nagawa niya nang convincing ang hinihinging papel bilang si Pipo. Na dahil sa mga matitinding dagok sa buhay at kawalan ng pag-asa, humantong siya sa sukdulan ng limitasyon bilang indibidwal at animo bombang sumabog.

Ang “Bomba” ay tinatampukan din nina Kate Brios, Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, at Romeo Lindain.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 4th Sinag Maynila:

Best Picture – Tale of the Lost Boys
Best Actress – Angellie Nicholle Sanoy (Bomba)
Best Actor – Allen Dizon (Bomba)
Best Director – Ralston G. Jover (Bomba)
SM People’s Choice award – El Peste
Box Office award – Tale of the Lost Boys
Best Screenplay – Joselito Altajeros (Tale of the Lost Boys)
Best in Cinematography – Pipo Domagas (Bomba)
Best in Editing – Diego Marx Dobles (Tale of the Lost Boys)
Best Production Design – Batch 1 / Richard Somes (El Peste)
Best Musical Score – Fergus Kronkite (Melodrama/Random/Melbourne!)
Best Sound Scoring – Mikko Quizon (Abomination)
Documentary Jury Prize – Journeyman Finds Home: The Simone Rota Story
Best Documentary – Mahal, 2017 by Janine Santos
Best Short Film – Duwende by Odin Fernandez

Ang 4th Sinag Maynila Independent Film Festival ay mapapanood pa sa mga piling SM cinemas hanggang March 15.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..