Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

MULING itinanghal sa ikalimang pagkakataon ang AB S-CBN bilang Best Station sa katatapos na Paragala Central Luzon Media Awards samantalang ang It’s Showtime host na si Vice Ganda naman ay Hall of Fame awardee na matapos ang tatlong taong pagkapanalo bilang Best Noontime Show Host.

Kinilala naman bilang Best Television Actor si Coco Martin para sa FPJ’s Ang Probinsyano at si Bea Alonzo bilang Best Television Actress para sa A Love to Last. Hinirang namang Best Teleserye ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Best Female Anchor naman ang Bandila anchor na si Karen Davila at Best Female Field Reporter naman ang broadcast journalist na si Doris Bigornia.

Ginawaran naman si Yeng Constantino ng Best Female Recording Artist award at si Jason Dy bilang Best Male Recording Artist.

Ang top-rating show na It’s Showtime naman ay nanalong Best Noontime Show at ang hosts nitong sina Vhong Navarro at Anne Curtis ay nagwagi bilang Best Male at Female Noontime Show Host. Ang Sunday variety show na ASAP naman ginawaran ng Best Musical Variety Show.

Nagwagi rin ang ABS-CBN Pampanga bilang Merit Awardee for Promoting Culture.

Binibigyang rekognisyon ng Paragala Central Luzon Media Awards ang mga natatanging palabas at media personality sa Pilipinas ayon sa boto ng nga mga estudyante sa Central Luzon. Ngayong taon, higit-30,000 ang bumoto galing sa mga unibersidad sa Pampanga, Bulacan, Bataan, Tarlac, Zambales, at Nueva Ecija.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..