Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Krissy Dimayuga

PANGUNGUNAHAN ng Tanging Yaman, ang classic hit tungkol sa isang pamilyang nabuong muli para sa kanilang ina ang mapapanood sa SKYdirect Free View sa Semana Santa ngayong Marso.

Kailangang magkaisa ng tatlong magkakapatid na matagal nang nagkahiwalay ng landas para sa kanilang ina na nagkaroon ng Alzheimer’s. Puno ng mga kilala at mahuhusay na artista ang cast, sa pangunguna ni Gloria Romero na tumayong ina ng kanilang pamilya. Gumanap bilang mga anak niya sina Johnny Delgado, Edu Manzano, at Dina Bonnevie.

Umani ng parangal ang Tanging Yaman sa Metro Manila Film Festival noong 2000. Kabilang na rito ang Best Picture, Best Director para kay Laurice Guillen, Best Actress para kay Gloria Romero, Best Actor para kay Johnny Delgado, Best Screenplay para kina Laurice Guillen, Shaira Mella Salvador, at Raymond Lee. Nasungkit din nito ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award na iginagawad sa mga pelikulang nagpapakita ng mga katangiang Filipino.

Mapapanood din ang 90’s classic na na pinagbidahan ni Camille Prats. Tungkol ito sa isang herederang naulila nang maaga at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng isang guro nang akalaing wala nang aasahan sa buhay ang bata matapos mawalan ng ama. Matapos mahanap ng mga kaibigan ng yumaong ama, nagbalik siya sa kaniyang dating buhay at nakapagbigay ng mas magandang kinabukasan sa kaniyang mga bagong kaibigan.

Kumukompleto sa pang-Semana Santang handog ng SKYdirect Free View ang Dekada 70. Ikinukuwento nito ang epekto ng Martial Law sa isang pamilya matapos maranasan ng mga miyembro sa iba’t ibang paraan. Bida ang ilang award-winning na actor gaya nina Piolo Pascual, Christopher De Leon, at Vilma Santos.

Maaaring mapanood ng mga SKYdirect prepaid subscribers na may minimum load na P99 at ng mga active na postpaid subscriber ang mga pelikulang ito nang libre sa channel 28.

Wala pang SKYdirect? Magpunta lamang sa www.mysky.com.ph/skydirect para sa karadagang impormasyo o i-text ang SKY sa 23668 para bumili.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..