Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

May mga nagsasabing terror film director daw si Direk Cathy Garcia-Molina. Hindi na bago ito sa mga taga-showbiz, lalo na sa mga artista na nahahawakan niya dahil sa pagiging straight forward nito.

In short, tutuong-tutoo si Direk na kung ano ang lumalabas sa bibig niya tulad ng pagmumura ay yun ang tunay.

Walang palabok. Walang sugar coating na siyang naging karanasan ng mga artista niya na sina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach sa bagong romcom ng Star Cinema na “My Perfect You” na palabas na sa darating na Wednesday, March 14.

Kung hindi ka sanay kay Direk Cathy ay magugulat ka. Baka nga magtampo ka pa na lalaitin ka niya at hubaran ang ego mo para lumabas ang hinahanap niya na galing mula sa ýo.

Sa kaso ni Ms. P (palayaw ng Pia Wurtzbach) na sa pelikula she plays Abi na owner ng resort na pinagbakasyunan ni Ge who plays Burn na tumakas sa mundo niya pansamantala para hanapin ang stress free world at happiness based sa kuwento ng pelikula,

Sa unang pagtatagpo ni Pia at Direk Cathy, diretsahan na sinabihan siya nito na mataba siya kahit siya ang Miss Universe.

Kuwento ni Pia sa kanyang experience sa kanyang direktor at the grand media launch ng pelikula nila: “Totoo naman kasi, galing ako sa bakasyon noon, mataba talaga ako.”

Ayon kay Pia, hindi siya nagtampo sa initial reaction ng kanyang direktor. “Tanggap ko, saka yun ang lagi kong sinasabi din sa set, na parang ang taba ko. Pero ano ko na rin ‘yon, insecurity ko every day of my life kasi ganoon talaga kapag beauty queen, lahat napapansin mo sa sarili mo.”

With Direk Cathy’s pag-aatake sa “ego” ni Pia ay may positive outcome. Mas ginalingan niya ang pag-arte at maganda naman ang kinalabasan.

Sabi nga ni Pia tungkol karanasan niya sa direktor niya.” And I would say na si Direk Cathy ang pinakabagong na-add dun sa list ko na hindi lang niya ako tinuruan kung paano umarte sa pelikula na ‘to, pero ang dami rin niyang naturo sa akin na life lessons. Kailangan mo siya ma-experience eh para maintindihan mo yung sinasasabi namin,” pahayag ng dalaga sa media.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..