Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By RK VILLACORTA

Pinabulaan ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang lumabas na balita kamakailan na hindi na matutuloy ang inaabang-abangan na pelikulang Darna ng dalaga.

Ang mga fans kasi nag-super react at nagalit dahil sabi nila ay nagtiyaga sila maghintay para sa project na ito ng dalaga pero kamuka’t mukat nila ay wala din pala mangyayari.

Pero agad naman naglabas ng official statement ang Star Cinema para kontrahin ang balita dahil tuloy na tuloy ang ang paglipad ni Liza sa ere as Darna.

Ayon sa manager ng dalaga: “Tuloy ang pelikula. Sa katunayan, bilib nga ako kay Liza dahil walang angal ito kahit dalawang project ang ginagawa niya (Bagani at Darna).

“Naging mananagal na nga siya dahil naglalagare siya sa dalawang projects,” pabirong kuwento ni Ogie last Saturday sa kanyang showbiz radio show sa DZMM with MJ Felipe.

Ayon kay Ogie, less publicity lang ang ginagawa ng Star Cinema tungkol sa mga updates ng Darna shooting dahil matagal pa ito ipapalabas at wala pa sa schedule date para i-promote.

“May Bagani si Liza na kauumpisa pa lang na yun muna ang dapat i-promote at pagusapan,” ani Ogie.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..