Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Krissy Dimayuga

MAPAPANOOD muli ng fans ng MayWard ang unang pelikulang pinagsamahan ng dalawa, ito’y sa Kapamilya Box Office ng ABS-CBN TVplus.

Si Maymay Entrata ay si Shine, isang simpleng babae na gagawin ang lahat para sa pamilya lalo na sa panahon ng pangangailangan. Makikilala niya ang balikbayan na si Luke sa isang hindi inaasahang pagkakataon at unti-unting siyang mahuhulog dito.

Mapapanood ito sa Marso 17 hanggang 18, kasama ang iba pang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Ipalalabas din ang You’re Still The One, The Third Party, 100 Tula Para Kay Stella, at Tumbok.

Samantala, sa Marso 24 hanggang 25 naman ay mapapanood ang KathNiel hit na Barcelona, na sinubukang takbuhan ng kanilang mga karakter ang nakaraan. Sa kanilang pag-iwas sa nakaraan ay kakailanganin nila ang isa’t isa para salubungin ang kanilang hinaharap.

E-ere rin sa linggong ito ang Bride For Rent, Bloody Crayons, The Mistress, at Pagsanib Kay Leah Dela Cruz.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..