Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Sino kaya ang unang sisikat sa 2018 Star Magic Circle? Ipinakilala na ang 13 na pasisikatin ng at bagong batch ng mga talents ng Star Magic. Halina’t kilatisin natin sila. Kabilang sa kanila ay isang MYX VJ, Tarsier Records artist, dating cast member ng La Luna Sangre, award-winning indie actress, showbiz royalty, former PBB housemate, aabangan sa “Bagani,” regular ng “Sana Dalawa Ang Puso.”

DONNY PANGILINAN

Age: 20

Birthday: February 10

Talents: Performing, hosting & acting.

Kilala sa mula sa angkan ng mga Pangilinan, si Donny ay ang panganay na anak ng dating aktres na si Maricel Laxa at motivational speaker na si Anthony Pangilinan. Hindi pa man sumasabak sa showbiz, kilala na ang binata sa social media at marami na ang nakaabang sa kanyang pag-aartista. Naging tuloy-tuloy ang pagpasok ng binata sa showbiz nang mag -guest sa “Magandang Buhay.” Dahil its run in the family, naging VJ host na agad si Donny at naging isa sa mga in-demand showbiz royalty.

Bukod sa hosting, pinasok na rin niya ang pagkanta at nakagawa ng two singles na “Did You” at “Different kind of Love.” Sumalang na rin sa akting si Donny dahil kabilang siya sa movie na Walwal at Playhouse.

ZONIA MEJIA

Age: 16

Birthday: August 26

Talents: acting, singing, dancing and swimming

Unang nakilala bilang “Blossoming Beauty ng Quezon City” ng Pinoy Big Brother 737, mula sa pamilya ng mga swimmers si Zonia Mejia. Naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows tulad ng “LuvU” at “The Promise of Forever.”

Bukod sa akting, pambato rin sa sayawan si Zonia at isa din sa wish niya ang maging isang mermaid sa isang pelikula or teleserye.

YASMYNE SUAREZ

Age: 20

Birthday: September 6

Talents: Acting and singing

Purisgido si Yasmyne Suarez na tahakin ang showbiz kaya naman bukod sa Star Magic Workshops ay tinapos rin niya ang kanyang pag-aaral sa Ivy League School of New York. Matapos ang kurso, bumalik sa Pinas para gamitin ang natutunan at subukan ang swerte sa showbiz world. Ngayong bahagi siya ng 2018 Star Magic Circle, unti unti na niyang naabot ang kanyang pangarap. Sasabak na si Yasmyne sa flick “Spirit of the Glass 2.” Pangarap naman nya ang maging bida sa isang obra ni Olivia Lamasan a la Starting Over Again in the future.

HENZ VILLARAIZ

Age: 18

Birthday: Aug 11

Talents: Singing, acting, dancing, playing the guitar and writing songs

Ipinanganak sa Pinas, nag-aral sa Australia, nanirahan sa Japan at bumalik sa Pinas para ipagpatuloy ang pangarap na pag-aartista. Produkto ng “Pinoy Boyband Superstar” si Henz Villaraiz noong isang taon. Hindi man siya pinalad makapasok sa PBS, mapalad si Henz na mapansin ni Mr. M. Kabilang si Henz sa daytime soap na “Sana Dalawa Ang Puso” at isang independent movie na kasama sa Cinemalaya Film Festival.

DANIELA STRANNER

Age: 15

Birthday: September 25

Talents: Dancing and playing the guitar

Isa sa pinakabata sa 2018 Star Magic Circle ang Filipino-German na si Daniela Stranner mula sa Pampanga. Na-discover ang 15 year old na si Daniela sa isang music festival at agad pinakilala kay Mr M. Sumabak sa mga series of workshops ang 5’5 football varsity player at excited siya na subukan ang akting. Isa sa gusto niyang gawin ay isang rom-com movie.

PATTY MENDOZA

Age: 20

Birthday: September 15

Talents: Dancing, sketching/drawing, singing

Bago pa man maging Star Magic artist, Isang commercial model si Patty na-discover sa UST, maswerteng inalok si Patty Mendoza na mag-audition at mapalad siyang napiling maging isa sa training batch ng Star Magic. Isa sa wish niya ay makatrabaho ay ang mga idols niya na sina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz.

LEILA ALCASID

Age: 20

Birthday: October 16

Talents: Singing, painting/drawing, and writing

Anak ni Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren,ready na si Leila Alcasid na sundan ang yapak ng kanyang ama. Bago pa man opisyal na naipakilala bilang Star Magic talent si Leila, pinamalas na niya ang kanyang galling sa pagkanta. Nagkaroon na siya ng unang single na “Completely In Love with You”. Puspusan sa kanyang Tagalog workshops, isa rin sa gustong subukan ni Leila ang akting at gusto niyang makasama ang kanyang Daddy Ogie sa isang pelikula.

ANNA LUNA

Age: 22

Birthday: September 12

Talents: Acting, singing, and dancing

Kilalang indie actress at produkto ng PETA si Anna Luna. Ilan sa mga nagawa niyang mga proyekto ay “Paglipay” by Zig Dulay at Maestra by Lemuel Lorca, kung saan umani siya ng Best Actress award mula sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.Suki drn ng mgaStar Cinema movies tulad ng “The Breakup Playlist,” “How to be Yours” at “Dear Other Self.”

Isa rin sa pinag-usapang performance niya ay ang role sa “Changing Partners” na siyang nagbigay daan sa kanya para mapansin ni Mr M. Isa sa wish niya ay makagawa ng isang “Maalaala Mo Kaya” episode.

CHANTAL VIDELA

Age: 15

Birthday: December 15

Talents: acting, singing, modelling, and playing guitar and piano

Thirteen years old nang mag-umpisa bilang isang commercial model, ang Filipino-Argentinian na si Chantal Videla. Sa murang edad, pangarap na niya ang maging isang artista kaya naman nagpursige siyang mag audition sa Star Magic. Idolo ni Chantal si Liza Soberano .

KARL GABRIEL

Age: 20 yrs old

Birthday: December 1

Talents: Acting and dancing

Nagsumikapsi Karl Gabriel para maabot ang kanyang dream na maging isang artista kahit hindi siya mapalad mapili sa Pinoy Boyband Superstar. Inspirasyon niya ang kanyang pamilya kaya naman hindi siya nagdalawang isip na mag-enroll sasa Star Magic workshops kung saan siya napansin ng Star Magic. Naka-stint sa “Wansapanataym” bilang isang bully kay Marco Gallo. Sina Liza Soberano at John Lloyd Cruz ang pangarap niyang maka-trabaho in the future

MARKUS PATERSON

Age: 19

Birthday: June 3

Talents: Singing and acting

Nagbunga ang sipag at tyaga ni Fil-British Markus Paterson para makuha ang atensyon ni Mr M matapos ang apat na beses nago-sees. Isang footballer at music-lover si Markus na regular hosts ng “ASAP Chill Out.”

Maraming kapalit na blessings ang nakuha ni Markus matapos na hindi mapili sa Pinoy Band Superstar. Kasama siya ngayon sa “Wansapanataym” episode at daytime serye “Sana Dalawa Ang Puso.” Focus din si Markus sa kanyang singing at isa siya sa unang Tarsier Records artist.

CHARLIE DIZON

Age: 21

Birthday: April 12

Talents: Acting and dancing

Natagalan man ang paghihintay bago makuha ang kanyang biggest break, sulit naman daw ang lahat para kay Charlie Dizon. Nagbunga ang kanyang hardwork dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makasama ang mga sikat na actor sa mga Star Cinema movies tulad ng “Finally Found Someone,” “Loving in Tandem” at “Seven Sundays.” Siya ang makulit na kaibigan ni Enrique Gil sa Seven Sundays kung saan siya napansin ng Star Magic. Magiging bahagi rin si Charlie sa primetime teleseryeng Bagani.

TONY LABRUSCA

Age: 22

Birthday: August 7

Talents: Acting & singing

Maliban sa Pinoy Boyband Superstar, kilala bilang lobo at Jake sa primetime soap na “La Luna Sangre” si Tony Labrusca. Naging paborito rin siyang commercial ad model sa isang fast food chain. Bukod sa kanyang love for acting, gusto rin niyang mag-concentrate sa kanyang singing. Nagka-debut single na “Tanging Ikaw,” na ni-launch last year. Isa sa gusto niyang makasama at makatrabaho on screen ang mga beteranong tulad ni Eddie Garcia.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..