Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By ROLDAN CASTRO

Dalaga na talaga ang Kapuso Drama Princess na si Bianca Umali. Bagamat nu’ng March 2 ang kanyang 18th birthday, magce-celebrate siya at magkakaroon ng grand debut party sa darating na March 17 sa EDSA Shangri-La.

Surprise at ayaw pang ikuwento ni Bianca ang kulay ng mga gowns na isusuot niya. Basta ito ay gawa ng Dubai-based Filipino designer na si Fay Reyes. Ipinabalik daw niya sa Dubai ang naturang gown para ayusin at mag-fit sa kanya. Inaasahan niyang aabot ito sa kanyang party.

Actually, siya mismo ang nag-design ng isusuot niyang mga gown. Basta binigay raw niya ang lahat ng effort niya kung ano ang style nito.

Anyway, ilan sa 18 roses niya ay kapareha niya sa “Kambal Karibal” na si Miguel Tanfelix. Nandiyan din sina Ryan Agoncillo, Mike Tan, Rodjun Cruz, Baste , ang executive ng GMA na si Joey Abacan na tinawag niyang ‘nanay’.

“I am entering the adult life and that is a bit intimidating, but if I keep learning and getting support from the people I love, I don’t have to worry. I have goals I want to achieve and I’m excited to discover more of myself as I accomplish each of them,” deklara niya ngayong 18 na siya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..