Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By JOSHUE MARINAS

Nasa ospital ngayon at nagpapagaling ang batikang aktor na si Christopher De Leon matapos aksidenteng tamaan sa hita ng isang blank bullet mula sa co-star na si Marvin Agustin.

Nangyari ang insidente sa taping ng teleseryeng “Kambal Karibal” sa isang eksenang kung saan kailangan siyang barilin at patayin ni Marvin ayon sa istorya.

Tumama raw sa hita ni Boyet ang blank bullet na sinasabing matindi ang inilagay na pulbura kaya’t ganun kalakas ang impact.

Noong una ay hindi ininda ng aktor ang tama bagkus ay nilagyan lang nila ng antiseptic ang napuruhang lugar sa binti.

Subalit nang lumaon ay sumakit na raw kaya’t napilitan isugod sa Asian Hospital si Boyet at doon ay agad inoperahan.

Ayon sa doctor, kahit blank bullet lang ang tumama kay Christopher ay maaaring ikamatay nito lalo na’t kung napuruhan sa bandang singit.

Pinaalalahanan ng aktor ang mga kapwa artista at mga stuntmen sa mga shooting na kailangang mag-ingat sa mga ganitong insidente at eksena. Tulad nga raw ng sinabi ng doktor niya, delikado pa rin kapag tinamaan ng blank bullet dahil pwede ngang ikamatay ito.

Kaugnay nito, pinanagot ng produksiyon ng nasabing teleserye ang supplier ng blank bullets at sinabing ito raw ang kailangang magbayad sa mga gastos ng aktor sa ospital.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..