Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Nagpapasalamat si Ana Capri sa isa sa BFF niyang si Alessandra de Rossi dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya sa latest project ng una.

Isa si Ana sa stars ng mini-series na “The Diary of a 30 Something” na tinatampukan din nina Alessandra, Assunta de Rossi, Karen de Los Reyes, Carla Humpries, at Meg Imperial. Mula sa pamamahala ni direk Ice Idanan, ito’y para sa Sari-Sari Channel ng Cignal TV na mapapanood na simula March 23.

Si Alex (nickname ni Alessandra) ang sumulat nito at siya rin ang producer.

Ayon kay Ana, nagsimula na silang mag-taping para sa naturang TV-series.

“Yes, nagsimula na po kami almost two weeks na. Most of the co-stars ay magkakaibigan in real life.

“I’m really happy that Alex trusted me to be part of her baby project. The role is very challenging and I haven’t played much of that kind of character. So hopefully magustuhan ng tao. A new me or might say, a funnier me,” masayang saad sa amin ni Ana.

Wika pa ng morenang aktres, “This is written by Alex herself, under ito sa Viva, pero production bale ni Alex, iyong kanyang Mischief Production.”

Ikinuwento rin ni Ana ang role niya rito.

“Ako yung eldest supposed to be sa 30 Something. Parang William Martinez ng movie na “Bagets.” Parang Samantha Jones ng “Sex and the City.

“I’m the hot and spicy amongst the group. Funny, frustrated to have a baby and get married. Free spirited.”

Sinabi rin ni Ana na excited siya sa project na ito.

“Exciting, especially kasi I’m working with such great actresses and friends. Also, it’s something fresh na role, to potray,” pahayag pa niya.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..