Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

 Ysabel Ortega

By NONIE V. NICASIO

Maligaya si Ysabel Ortega sa patuloy na pagganda ng kanyang showbiz career.

Isa siya sa may mahalagang papel sa forthcoming TV series ng ABS CBN titled “Araw Gabi.”

Sa aming panayam sa 19 year old na aktres, nabanggit niya ang role sa naturang serye.

“Ako po rito si Nica Marcelo, kasama ko po sa teleseryeng ito sina Ms. Vina Morales, Sir Raymond Bagatsing, Ms. Ara Mina, and many more amazing veteran actors,” nakangiting saad ni Ysabel.

Saad pa niya, “I’m looking forward to working with a powerhouse cast, along with kuya JM (de Guzman) who I have always admired because of his past work. I’m also working with Barbie (Imperial) who I was already friends with before this show, which is making everything very exciting for me kasi marami rin po akong mga kaibigan na makakatrabaho rito, besides Barbie.”

Ano ang sabi sa iyo ng manager mong si Ogie Diaz at ng mom mo sa magandang break na ito?

“Just like before po, they alaways tell me to work hard, and love my job,” pakli pa ng magandang anak nina ex-Sen. Lito Lapid at DSWD Asec. Michelle Ortega.

Nabanggit din ni Ysabel ang mga young stars na gusto niyang sundan ang yapak.

“Sina Ate Liza Soberano at Kathryn Bernardo po, parehas po sila, kasi ay nagsisilbi po silang inspirations ko to work harder.

“Kasi, kaya idol ko po sila ay dahil parehong magagaling silang aktres at mahal talaga ng fans,” aniya pa.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..