Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Rolly Quizon Makati Medical Center

By JOSHUE MARINAS

Nasa comatose ngayon ang actor/director na si Rolly Quizon, bunsong anak ni Comedy King Dolphy sa unang asawa.

Ito’y makaraang atakihin ng stroke si Rolly noong Biyernes ng hapon (March 9) habang nagsha-shopping sa isang supermarket sa Quezon City.

Nahilo at biglang natumba raw ang aktor kaya’t agad isinugod sa isang ospital sa naturang lungsod din. Sumailalim siya sa isang operasyon upang ma-drain daw ang blot clot sa ulo nito.

Sa ngayon ay comatose pa rin si Rolly at nasa malubang kalagayan. Hinihiling ng pamilya na ipagdasal siya para sa maagang recovery.

Si Rolly ay bunso sa tatlong anak ng namayapang si Dolphy sa unang asawa.

Noong isang linggo ay kamamatay lang ng kapatid nitong si Dino Quizon na nakabase sa Amerika dahil sa heart ailment.

Hindi pa naililibing si Dino at ngayon nga ay nasa comatose naman si Rolly.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..