Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

G-Dragon

Tambak na umano ang mga fan mails para kay G-Dragon at namomroblema rito ang military training center.

Dahil dito, nakiusap ang agency ni G-Dragon na YG Entertainment sa mga fans na limitahan lamang ang pagsulat kay G-Dragon na kauumpisa pa lamang ng kanyang pagseserbisyo sa military.

“G-Dragon is currently training well and is in good health thanks to all your warm support. However, the excessive amount of incoming fan mails is placing G-Dragon in a difficult position within his military unit,” pakiusap pa ng YG Entertainment, na inilathala naman ng AllKpop.

Ang mga fan mails ay idinadaan sa email at kinakailangan pang i-print ng military training center na kinabibilangan ngayon ni G-Dragon. Nauubusan na umano ng papel at ink ang training center para sa iba pang sundalo at trainee.

“Recurrences of such circumstances are making G-Dragon feel apologetic toward fellow training soldiers, and also toward his fans, since he cannot possibly read all of the letters,” ayo pa sa ulat. (NEWSKO DESK)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..