Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May plano pala itong si Sandara Park na ipasyal sa Pilipinas ang kanyang bagong kaibigan at Cheese In The Trap co-star na si Oh Yeon Seo.

Mismong si Oh Yeon Seo ang nagkuwento na inaaya siya ni Sandara na mamasyal ng Pilipinas.

Magugunitang sinabi ni Oh Yeon Seo na naging close friends sila ni Sandara dahil sa kanilang pelikula kung saan ang papel nila ay mag-bestfriends.

“She was so cute that I wanted to be friends with her,” paglalarawan pa ni Oh Yeon Seo kay Sandara.

“She told me that she’d invite me to the Philippines later on. She said she’d invite me on a ‘Dara Tour’ too,” ayon pa sa aktres.

Ayon pa kay Oh Yeon Seo, kokonti lamang ang kanyang mga kaibigang celebrities at ngayon ay isa si Dara sa mga lagi niyang kinokontak.

Ang Cheese In The Trap ay ipalalabas pa lamang sa March 14.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..