Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Binigyan ng papuri ni Robin Padilla ang namayapang actor/director na si Bernardo Bernardo.

Ayon sa Instagram post ni Binoe:

“Isang malalim na pagpupugay sa aking kasama sa industriya ginoong Bernardo Bernado, siya ay pumanaw na sa edad na 73. Hindi man kami nagkasama sa pelikula o telebisyon akin naman ipinagmamalaki at aking pagyayamanin ang aming pagsasama at pagkakaisa sa paniwala kay Mayor Rodrigo Duterte bago pa lamang ito tumakbo.

“Kami ni Tito Bernie ang nagpapalitan sa Facebook ng mga mungkahi para ipaliwanag sa social media ang mga katangian ni Digong katunayan ay walang tigil si tito bernie sa social media sa paghihikayat kay mayor Duterte na tumakbo bilang Pangulo.

“Lumipas ang panahon at nanalo ang aming kandidato nagsulputan ang mga sipsip ! kaliwat kanan ang agawan sa puwesto at kapangyarihan may mga dati pang mga nang-aapi kay mayor sa social media ang bigla na lamang nasa sa tv na nakadikit na kay mayor at nauna pang nakapasok sa malacañang pero wala akong narinig na pumiyok si Tito Bernie o humingi man lamang ng posisyon na kung tutuusin sa lahat ng mga na-appoint na may kinalaman sa pelikula si Tito Bernie ang may pinakamataas na qualification.

“Nagpapasalamat ako kay Atty. Glen Pangapalan ng Davao City at bago man lang humantong sa kapayapaan si Tito Bernie ay naihatid nya ang malalim na pasasalamat ng aming Kandidato at Pangulo.

“Isa kang tunay na rebolusyonaryo Tito Bernie!! Isa kang tunay na maka Bonifacio!! Isa kang tunay na katipunero. Hanggang sa muling pagkikita sa dako pa roon”

Anyway, kabilang kami sa mapalad na nakasalamuha ni Direk Bernardo. Unang panayam namin sa kanya ay almost twenty years ago sa bakuran ng ABS CBN sa taping ng sitcom nilang “Home Along Da Riles,” topbilled by Comedy King Dolphy.

Sinulat ko siya ng series of articles sa magazine ng GASI, ang Chika Chika. Matagal bago kami nagkita ulit, pero surprisingly, natandaan pa niya ako. Hanggang sa magpunta siya sa Amerika at pagkalipas ng maraming taon ay bumalik sa ‘Pinas.

Noong 2015, nagkita kami ulit sa presscon ng stage play na “Senakulo” ni Direk Lou Veloso na pinagbidahan ni Lance Raymundo at doon ay nabanggit niya na kabilang sa kanyang plano sa pagbabalik ng ‘Pinas ay mas maging aktibo sa pelikula at teatro. Balak din daw niyang magsulat ng libro para sa kanyang Memoir. Mula noon ay naging FB friends kami at nagpapalitan ng messages dito.

Narito ang excerpts sa panayam ko kay Direk BB na lumabas sa PEP.ph last March 30, 2015:

“Sobra, sobra, sobrang nag-enjoy ako sa aking pagbabalik showbiz! Salamat sa Diyos! Salamat dahil ngayong March, I celebrate my one year dito sa Pilipinas, and I’ve never been happier!” Saad ni Bernardo nang makapanayam ng PEP.ph

Siya ba ay nagbabalik-bayan lang or back for good na?

“Hindi lang back for good, back for better. Mahirap ipaliwanag kung gaano ako kasaya, nandito ako sa sarili kong bayan, ginagamit ko ang sarili kong lengguwahe, gumagawa ng palabas ng mga kapwa Pilipino.

“Malapit ako sa mga kamag-anak ko, malapit sa mga kaibigan. Kapag nasa America ka, iba ang buhay. No matter what they say-dollars, credit cards, and pension, and health benefits, iba ang buhay sa Pilipinas. Maski mas mahirap economically ang buhay. Iba ang buhay, ang puso, ang kaluluwa, ang pag-iisip ng Pinoy, dito lang at walang ibang lugar talaga,” pahayag pa niya.

Inilahad din ni Bernardo ang mga plano pa niyang gawin sa kanyang career, pati na ang pagsusulat ng kanyang memoirs.

Pagmamalaki niya, “Seventy years old na ako pero awa ng Diyos malakas pa, malinaw pa ang pag-iisip. Pero inamin ko sa sarili ko, legacy time, gusto kong gumawa at i-share yung experiences ko, ang expertise ko, kaalaman ko sa mga bata. Kasi, sila naman yung susunod, e.

“Magdidirek ako, aarte pa ako, susulat pa ako. Sinusulat ko ang memoirs ko ngayon, kasi yung karanasan ko sa teatro, pinagdaanan ko yung mga pinakamagagaling e.

“Nakatrabaho ko sina Lamberto Avellana, Zenaida Amador, Rolando Tinio, mga legends iyan, e. Kailangang ma-document, kasi historical document na ‘yan. These are national artist or legendary figures in theater and cinema and television.”

Last August 9, 2016 naman, nakatanggap ako ng message kay Direk BB:

“Nonie, I need to ask your permission para ma-include sa Memoir na sinusulat ko yung excerpts nung write up/interview mo sa akin. How do I go about this? Thanks, BB”

Kaya sa simula ng taong 2018 at nalaman naming siya ay may sakit na cancer sa pancreas, labis kaming nagulat at nalungkot. Lalo na nang paglipas ng ilang linggo lang ay nabalitaan naming namaalam na si Direk BB.

Rest in peace po, Direk BB.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..