Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Matapos ma-link kay Chris Pratt, nadadawit naman ngayon ang aktres na si Olivia Munn kay Justin Theroux.

At gaya ng kanyang pagpalag sa naunang tsismis na may namumuong romansa sa kanila ng ex ni Anna Faris, maaga ring kumontra si Olivia sa intrigang nagde-date naman sila ng ex ni Jennifer Aniston, ayon na rin sa ulat ng ET.

Sa kanyang Instagram Stories, tiniyak ni Olivia sa kanyang mga followers na walang romansa sa kanila ni Theroux.

Lumalabas na nabalitaan ni Olivia na maglalabas ng isang artikulo ang isang tabloid na may romansang namumuo sa kanila ni Theroux kaya maagang nag-deny ang 37-anyos na aktres.

“Text from my publicist just a few minutes ago, ayon sa unang post ni Olivia. “In Touch is preparing a story about Olivia Munn and Justin Theroux. Sources tell In Touch Olivia and Justin are growing close together and they are heading towards a romance.”

“Oh my god. That is so stupid,” ayon pa sa aktres.

Kamakailan lamang ini-announce ni Aniston na hiwalay na sila ni Theroux.

Ayon pa kay Olivia, “100 million percent not true,” ang ilalabas na isyu sa kanila ni Theroux.

“Dear Tabloids, Please stop matching me with my friends’ exes. No disrespect to people who do date their friends’ exes, that’s just not my style. Kthxbye!” mensahe pa ni Olivia.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..