Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May bago umanong lovelife ang Harry Potter star na si Emma Watson!

Ang sinasabinging bagong bf ni Emma ay ang Glee star na si Chord Overstreet.

Ito umano ay matapos maispatan sina Emma at Chord na magka-holding hands while walking (HHWW) noong Biyernes, ayon sa ulat ng People.

Si Emma, 27, at si Chord, 29, ay nagkakilala umano sa pamamagitan ng ilang common friends at ilang beses na silang nagde-date.

“They have been dating for a little bit now, but it’s still pretty new. They met through friends. They might seem like an odd match but they actually have very similar personalities,” ayon pa sa balita.

Noong Vanity Fair Oscars party naispatan din na magkasabay umalis ang dalawa kasama ang ilang kaibigan.

Napag-alaman pa na noon pang November nakipag-break si Emma sa kanyang non-showbiz boyfriend na si William Knight na mahigit isang taon ding nakarelasyon ng Beauty and the Beast actress.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..