Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Ginanap kagabi ang Gala Screening ng “Bomba” (The Bomb) na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Allen Dizon. Matapos ang screening nito sa SM North Edsa para sa Sinag Maynila Film Festival, marami ang humanga sa galing dito ni Allen.

Bukod sa mga moviegoers, pati mga member ng entertainment media ay saludo sa galing dito ni Allen. Deserving talaga ang actor sa dalawang Best Actor na nakuha na niya so far, ang 33rd Warsaw International Filmfest at Dhaka International Filmfest

Aminado si Allen na isa sa mga memorable movie niya itong “The Bomb” na pinamahalaan ng internationally acclaimed director na si Ralston Jover.

Saad niya, “Etong ‘Bomba,’ talagang masasabi ko na isa sa pinaka-memorable na movie na nagawa ko, plus, challenging talaga siya. Kasi nga, first time kong gumanap na pipi rito. Wala siyang dialogue, action lang siya, facial expression, at mata lang. Bale, hindi maingay na pipi iyong character ko rito, kumbaga ay subtle lang.”

Esplika pa ni Allen, “Actually, nag-enrol pa ako sa St. Benilde sa School for the Deaf, para sa tamang sign language at kung paano sila makipag-usap. Kasi dapat sakto lang at tama ang ia-arte mo at hindi iyong mag-i-improvise ka. Plus, sa shooting ay mayroon pa kaming sign language coach.”

Sa pelikulang ito, si Allen ay gumaganap bilang si Pipo, isang deaf-mute na animo bombang sumabog dahil sa serye ng mga mabibigat na nangyari sa kanyang buhay. Sa background ng extra judicial killing na nagaganap sa kanilang lugar, si Pipo ay napag-trip-an ng mga pulis na nag-iimbestiga sa bombing incident na naganap malapit sa kanilang lugar, dahil dito’y ikinulong siya.

Nang makalabas naman, nalaman ni Pipo na ang barung-barong na tinitirhan ay nawasak at ang pinakamahalagang tao sa kanya na si Cyril (Angellie Nicholle sanoy) ay wala na roon dahil kinuha na ng ama nito. Idagdag pa ang pagmamaltrato ng kanyang amo sa kanyang pinagtatrabahuhan, dito na nga nagmistulang isang human bomb si Pipo.

Ang “Bomba” na tinatampukan din nina Kate Brios, Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, at Romeo Lindain, ay ipalalabas sa mga piling SM cinemas hanggang sa March 15.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..