Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Kasalukuyang tinatapos ngayon ni Direk Neal Tan ang latest movie niya na pinamagatang “Men In Uniform” na isang advocacy film na tinatampukan nina Alfred Vargas, Jeric Rabal, Rommel Padilla, Empress Schuck, at Rayver Cruz.

Ayon kay Direk Neal, natutuwa siya dahil maayos ang shooting nila ng naturang pelikula.

Saad niya, “Very cooperative lahat dito and I’m sure lalo na si Empress na isu-shoot ko pa lang sa March 10. Ang genre nito ay action/drama/documentary, story and screenplay ko ito.”

Pahayag pa niya, “Men In Uniform is a project of PCRG (Police Community Relations Group-PNP) produced ng Bagsay Lahi batch ng PNPA headed by Leonora Sy.

“Kuwento ito ng ng five police who dedicated their lives in the the call of duty. The purpose of this film it to encourage the people in bringing back the trust in the PNP. The act of bravery of these police officers displayed the extraordinary courage and professionalism in a circumstance of peril and exemplary performance beyond the call of duty is worthy of emulation among their fellow officers in the police service and to uplift the image of the Philippine National Police (PNP).

“Ang five lead actors dito ay sina Rommel Padilla, Jeric Raval, Rayver Cruz, Alfred Vargas, at Empress Schuck.”

Nasabi rin niya ang nararamdamang satisfaction sa paggawa ng pelikulang tulad nito.

“Ibang satisfaction ang gumawa ng isang advocacy film, di ka na magwo-worry kung kikita o hindi, dahil advocacy nga, lalo na at may sariling market ito. Mostly kasi, hindi para kumita ang main purpose ng producer kung hindi maglahad ng mensahe.

“Bale secondary na lang siguro ang kumita o bumalik man lang ang puhunan.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..