Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Hindi maitatanggi na napapabilang na ngayon ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa mga kinaiinisang kontrabida ng mga viewers dahil sa pagganap niya bilang si Cheska sa “Kambal, Karibal.”

Bukod nga sa mga fans na todo ang suporta sa kanya, nagulat din daw ang dalaga nang malamang pati mga kapwa niya artista ay humahanga at pumupuri sa kanyang pag-arte.

Ilan sa mga nagpapaabot ng pagbati sa kanya ay sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Jackie Lou Blanco, Pauleen Luna at Betong Sumaya.

Nang makapanayam nga namin siya kamakailan, nagpapasalamat siya sa mga taong ito dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit mas pinag-iigihan at pinagbubutihan ang kanyang trabaho.

Samantala, sa “Kambal, Karibal,” sinabi ni Kyline na hindi raw dapat palampasin ang mga susunod na eksena dahil kahit siya ay nagulat sa mga nabasa niya sa script na mangyayari. Ano kaya ito?

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..