Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NEWSKO DESK

Isang Korean actor na nasangkot kamakailan sa isyung sexual harassment ang natagpuang patay!

Kinumpirma na umano ng Chungbuk police station ang pagkamatay ng aktor na si Jo Min Ki at sinabing sa pagkamatay nito, posibleng isarado na rin ang mga kinakaharap nitong sexual harassment cases.

“Usually, in the event that the accused dies, the investigation ends with the case being forwarded to prosecution marked ‘no indictment,’” ayon umano sa pulisya batay na rin sa ulat ng Soompi.

Sa ulat, nakita umano ang aktor sa isang bodega sa tabi ng basement parking garage ng kanyang apartment. Ang misis umano ni Jo Min Ki ang nakadiskubre sa walang buhay na asawa.

Naisugod pa umano sa emergency room si Jo Min Ki at tinangka pa itong i-revive subalit hindi na ito nailigtas.

Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng aktor kaya ipinapalagay sa inisyal na imbestigasyon na nag-suicide ito.

Si Jo Min Ki ay lumabas sa mga drama na Love and Ambition, East of Eden, Queen Seondeok, at Flames of Desire. Sa Queen Seondeok, ito ang gumanap bilang King Jinpyeong at tatay ni Seondeok.

Unang lumabas ang isyung sexual harassment kay Jo Min Ki noong Februrary kung saan isang estudyante umano ang nabiktima nito noong nagtuturo pa ito sa Cheongju University. Iniimbestigahan pa lamang ang kaso nang mamatay ito.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..