Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Bayani sa propesyon, bayani rin sa pag-ibig. Tunghayan ang kuwento ng mag-asawang sina Capt. Rommel at Ani Sandoval ngayong Sabado (March 10) sa MMK, na tatampukan nina Kim Chiu at Zanjoe Marudo.

Ito ang unang pagtatambal nina Kim at Zanjoe sa telebisyon.

Si Ani (Kim) ay lumaki sa isang pamilya ng mga militar. Matapos masaksihan ang pinagdaanan ng kanyang ina sa kanyag ama, sumumpa si Ani na hindi magmamahal ng isang sundalo.

Ngunit kahit labag sa kagustuhan ng kanyang isipan, ang kanyang puso ay nagmahal kay Rommel (Zanjoe), isang senior ng kanyang kapatid sa military, at naging asawa niya ito.

Ang kanilang pagmamahalan ay naging maayos hanggang si Ani ay nagkaroon ng miscarriage at na-diagnose na mayroong Poly Cystic Ovarian Syndrome (PCOS). Mas naging komplikado pa ang sitwasyon nang si Rommel ay nadestino sa Marawi upang makipaglaban.

Bunsod nito, magkakaroon pa ba sila ng buong pamilya na siyang labis nilang inaasam? Makakauwi ba ng ligtas si Rommel para tuparin ang kanyang pangako sa mahal niyang asawang si Ani?

Makakasama rito nina Kim at Zanjoe sina Ahron Villena, Michael Roy Jornales, Akihiro Blanco, Boom Labrusca, Jong Cuenco, Ana Abad Santos, Niña Dolino, Denise Joaquin, Encar Benedicto, Kristel Fulgar, Aiko Climaco, at Dawn Chang.

Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Dado Lumibao at sa panulat ni Benson Logronio. Si Roda C. dela Cerna ang business unit head ng MMK.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asia, ang MMK tuwing Sabado pagkatapos ng ‘Pilipinas Got Talent’ sa ABS-CBN or ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Catch its latest episodesoniwantv.com.phorskyondemand.com.ph for Sky subscribers. For more updates, follow @mmkofficial on Facebook, Twitter, and Instagram.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..