Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NEWSKO DESK

Meron palang nakakagulat na hidden talent ang singer na si Katy Perry!

Gayunpaman, hindi glamorosa ang ipinakitang bagong talent ni Katy sa halip puwede na itong ihilera sa mga weird na panoorin sa mga karnabal.

Ang dahilan, ang talent ni Katy ay mistulang palaka na napapalobo at napapaimpis ang kanyang lalamunan na maihahalintulad sa paghinga ng isang palakang kokak.

Ipinakita ni Katy ang kanyang weird na talent sa mismong American Idol kaya naman maging ang kanyang mga kasamahang judges na sina Lionel Richi at Luke Bryan ay namangha.

“I can look like a frog, it’s disgusting…it’s horrible,” pag-amin ni Katy.

Sa gitna nag pagkabigla ni Lionel, ipinahawak pa sa kanya ni Katy ang kanyang lumolobong lalamunan.

“Just touch it,” paghamon ni Katy kay Lionel. Hinawakan naman ni Lionel ang leeg ni Katy at talagang gulat na gulat ito.

“It’s disgusting…Nobody’s gonna wanna make it out with me… But who cares?” pahayag pa ni Katy.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..