Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Aminado ang Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo na happy siya sa pagkakasali sa ABS-CBN fantaserye na “Bagani” na pinagbibidahan nina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil.

Ayon kay Jana, masaya siya rito dahil kakaiba ang kanyag role sa naturang serye, plus dahil isa raw itong fantaserye.

“Ang role ko po rito is kasali ako sa angkan ng mga taong disyerto, so nasa side po sila ni Lakas (Enrique Gil). More on si Kuya Enrique po ang madalas ko pong kaeksena sa ngayon.

“Masaya po ako dahil kakaiba siya, dahil example po ay iyong sa costumes namin. At isa pa po, super enjoy ako kasi po, more on dahil sa nature and may pagka fantaserye kasi ang tema nito. Dinala ko nga po yung telescope ko sa taping namin, para mas makita ko yung desert doon,” saad ng talented na child actress.

Sinabi rin ni Jana na na-excite siya sa taping nila sa Ilocos dahil sa sand dune rito.

“Yes, sa Ilocos po ang shoot namin, iyong mga locations ng Bagani, lahat po ng nakikita nila sa TV ay sa iba’t ibang part po yun ng Ilocos.

“Hindi naman po ako nahihirapan kung malayo yun, dahil passion ko po talaga ang pag-acting, hilig ko po siya talaga eh, at nakaka-travel pa po ako habang nagwo-work. Kaya enjoy po ako kapag may taping kami,” masayang saad pa niya.

Nabanggit pa ni Jana na sobrang saya niya na ang pelikulang pinagbidahan niya na ‘Nervous Translation’ ay napapanood sa abroad.

“Super happy po ako, kasi nakita ang movie ko sa Netherlands, Paris, New York, at Hong Kong… super thankful po talaga ako,” saad pa ni Jana na napapanood din ngayon sa kiddie educational TV program na Team YEY.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..