Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By ROLDAN CASTRO

Inaabangan na ang bagong station ID (SID) na pinamagatang, “Buong Puso para sa Kapuso.” Mapapanood ang makulay na kasaysayan ng Kapuso network mamyang gabi.

Pati na ang paglalakbay ng GMA mula sa pagiging maliit na himpilan ng radyo na itinatag ni Robert “Uncle Bob” Stewart hanggang sa pagiging isa sa pinaka-respetado, pinaka-pinagkakatiwalaan, at kinikilalang media network sa bansa.

Tampok din sa SID ang tunay na kahulugan ng pagiging Kapuso – ang pagbibigay ng iyong buong puso sa lahat ng pagkakataon para sa iyong mga mahal sa buhay dahil ito ang nararapat.

“We celebrate our success story and our shared values with our viewers who have been with us through the years. I hope our story serves as an inspiration to every Filipino striving to succeed in life and provide a better future for the people they love,” deklara ni GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon.

Pinaghandaan at ginastusan ang bagong SID na kung saan ay nagsama-sama ang mga Kapuso celebrities at mga empleyado ng GMA para sa espesyal na produksyon.

“Bilang Kapuso, isinasabuhay namin ang aming panatang magbigay ng tapat na balita at impormasyon sa ngalan ng Serbisyong Totoo,” saad ng internationally acclaimed broadcast journalist. na si Jessica Soho.

“Yun talaga ‘yung essence ng pagiging Kapuso eh, ‘yung pagpapakita ng warmth sa isa’t isa. Minsan lang mangyari ito at ginagawa namin lahat ng ito para sa mga manonood,” sabi naman ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

“Ang saya na makita ko muli ang mga kapwa ko artista na nagsama-sama para sa mga Kapuso natin,” sey naman ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

“I am always excited to sing with other artists. I am flattered how these young talents look up to me,” lahad naman ni Regine Velasquez.

Abangan ang premiere ng pinakabagong station ID ng GMA Network na “Buong Puso para sa Kapuso” mamyang gabi pagkatapos ng “24 Oras.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..