Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Bad attitude at kabastusan ang ipinamalas nitong si Sofia Andres sa media at ngayon nga ay inilabas ng mga bloggers and print reporter ang not so nice attitude nito sa kanila.

During the presscon ng “Mama’s Girl” movie niya sa Regal Films with actress Sylvia Sanchez, nagpamalas na ng katamaran itong si Sofia at hindi tamang asal while she is being interviewed ng media and bloggers.

Ayon sa naging biktima ng kawalang gana ni Sofia kapag iniinterview siyam hindi lang pala noong promo ng pelikula niya sa Regal kundi noon pa ay ginawa na nito ang kabastusan.

Pinagsabihan na ang manager ang aktres about this pero tila walang pagbabago.

Maging ang former PMPC President na si Roldan Castro ay may bad experience sa dalaga na kung susumahin mo ang mga reklamo sa kanya ay napaka-unprofessional niya in handling her showbiz career.

Sa kanyang Twitter account she wrote, “Too tired to be too nice.”

Na kung ia-analyze mo, saan siya napagod?

Being nice is a natural character or trait ng isang tao. Being nice should not be just a job dahil artista ka. I short “kaplastikan” attitude pala ang ipinakita niya at kabaliktaran ng kanaturalan ng isang Liza Soberano or Kathryn Bernardo na very nice kapag kaharap sila ng media during interviews.

May ready smiles sila kahit hindi nila kabisado ang mga names ng mga entertainment bloggers and writers na nakakakaharap nila.

The nerve na magso-sorry ang maldita na out of context naman at hindi naiintindihan ang isyu tungkol sa kanya.

Ang simpleng isyu kay Sofia ay ang kabastusan niya na habang ini-interbyu siya ng group of bloggers sa isang presscon ay wala ang atensyon niya sa mga nai-interview.

Wala sa focus at mas gusto pa magtext or mag-chat na lang sa hawak-hawak niyang cellphone na kung hindi pa kinuha ni Diego Loyzaga ang hawak nitong cell ay hindi pa ito titigil.

Kung pagod si Sofia sa pagiging nice, I suggest na magpahinga na siya for life. Kailangan niya ito at susuportahan ko siya sa bagay na ito.

Sa darating na Saturday, March 10, ang ka-loveteam niya na si Diego Loyzaga will be paired with Ritz Azul para sa “Ipaglaban Mo.”

Feeling ko mag magugustuhan ng publiko ang tambalang ito lalo na’t very accommodating si Ritz noong first time ko siya nainterbyu during the promo of her afternoon serye with Paolo Avelino and EJ Falcon.

With Diego naman, charming ang binata at gusto siya ng press sa pagiging accommodating during his interviews just like his parents na sina Teresa Loyzaga and Cesar Montano.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..