Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Magtatambal sina Diego Loyzaga at Ritz Azul ngayong Sabado (Marso 10) sa “Ipaglaban Mo” bilang magkasintahang pinilit ng isang pulis na mag-sex sa harap niya habang nasa isang pampublikong lugar.

Barumbado at basagulero ang pagkakakila ng tao kay Mikoy (Diego). Ngunit nagbago ito lahat ng umibig siya kay Gela (Ritz), isang debotong Katoliko.

Para patunayan ang magandang hangarin sa babae, sumali pa si Mikoy sa worship services ni Gela. Hindi nagtagal ay sinagot na rin siya ng dalaga.

Ngunit isang gabi sa kalagitnaan ng kanilang date, bigla na lamang silang kinausap ng isang pulis at tinutukan ng baril para sila ay magtalik sa harap nito.

Saan hahantong ang nangyaring ito? Masuplong kaya nila sa mga awtoridad ang ginawang pambababoy sa kanila ng manyakis na pulis?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Sumpaan” sa ilalim ng direksyon ni Lem Lorca ngayong Sabado (Marso 10), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..