Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By JOSHUE MARINAS

Sumakabilang-buhay na kaninang madaling-araw (March 8) ang beteranong komedyante na si Bernardo Bernardo sa edad na 73.

Kumpirma ito ng pamangkin ng aktor na si Susan Vecina Santos at sinabing nakaburol ngayon ang kanyang tiyuhin sa St. Peter’s Chapel sa Quezon City.

Hindi binanggit kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng komedyanteng aktor subalit nagsabi na ito noong Enero pa na may tumor siya sa pancreas na kinumpirma naman ng kanyang doctor.

Mula noon ay humina na ang katawan ni Bernardo hanggang sa namayat ito nang husto.

Sumikat si Bernardo sa pagiging komedyante sa pelikula, telebisyon at teatro. Naaliw ang mga tao sa karakter niya sa TV sitcom na “Home Along Da Riles” kasama ang comedy king na si Dolphy.

Maging sa pelikula ay katuwa-tuwa ang kanyang karakter na machong bakla at kadalasang kasama niya ang action king na Fernando Poe, Jr.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..