Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By Krissy Dimayuga

AMINADONG nahihirapan sa tuwing magfi-fit ng damit ang singer/aktres na si Angeline Quinto kaya naman napagdesisyonan niyang magpabawas ng boobs.

Kaya ang dating 36D boobs ni Angeline ay 36B na lang ngayon.

Kuwento ni Angeline sa presscon ng Cornerstone Concert, nahihirapan siya kapag nagsusukat na ng damit na pagdating sa boobs ay hindi na okey.

“Okay lahat ang fit sa lahat, pero pagdating sa boobs, hindi masara. Si Pepsi Herrera (SLN) po dati ang nagbibihis sa akin at talagang nahihirapan din siya,” ani Angeline.

Iginiit pa ni Angeline na totoo ang boobs niya at hindi siya retokada.

At bago pala siya sumailalim sa pagpapabawas ng boos ay kinausap siyang mabuti ng doctor. Hindi na pala siya makakapagpa-breastfeed kapag nagkaanak.

“Kaya pipirma ako ng waiver bago ako magpa-breast reduction, nanalangin po ako na kung sakaling magka-baby po ako, may mga nabibili namang milk na galing sa ibang nanay. ‘Yun na lang po ang naisip ko kung sakaling magkaanak ako,” giit pa ng dalaga.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..