Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Hindi maitago ni Ysabel Ortega ang kasiyahan at excitement sa bago niyang TV series sa ABS CBN. Pinamagatang “Precious Hearts Romances presents Araw Gabi,” topbilled by JM de Guzman at ni Barbie Imperial.

Tampok din dito sina Vina Morales, Rita Avila, Raymond Bagatsing, Ara Mina, Victor Silayan, Dennis Padilla, at iba pa.

Panimulang saad ni Ysabel, “I’m super excited for this new show po.”

Pahabol pa niya, I’m so thankful po, this is my first main role na hindi po love triangle, hahaha! So, I’m ready for the challenge and change of character.”

Ang tinutukoy ni Ysabel ay ang mga nakalipas niyang TV series na “On The Wings of Love” nina James Reid & Nadine Lustre at “Born For You” na pinagbidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Sa naturang TV series kasi ay gumanap siyang third party sa mga tampok na love teams.

Pagpapatuloy pa ng magandang talent ni Ogie Diaz, “I’m really looking forward to this project because I am part po of the main cast, and how my character is involved in this story.

“It’s definitely something new for me, especially na “Precious Hearts Romances” po yung teleserye, and palagi po akong ready and naka-abang to try new things. Plus, this role is a step up from my past characters, which is why I can’t wait na makita na po ng lahat ang ganda ng story po na ito,” pahayag pa ng 18 years old na aktres.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..