Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Bukod sa sunod-sunod na awards na natatanggap ng magaling na aktres na si Ana Capri, sunod-sunod din ang projects na pinagkaka-abalahan niya ngayon.

Ipinahayag ng aktres ang mga bago niyang proyekto sa TV at pelikula, plus ang kanyang pasasalamat sa pinakabagong pagkilala na kanyang natanggap mula naman sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na ipinagkakaloob sa mga Filipino artist na nagbigay ng karangalan sa bansa dahil sa pagkapanalo sa mga International film festival.

Pahayag ni Ana, “I’m thankful for all the projects na dumating at parating, I’m part of the new soap sa ABS CBN din po. We finished shooting na ng “Almost A Love Story” from BG Productions ni Ms. Baby Go, directed by Louie Ignacio. Ang bida sa movie ay ang tandem nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

“Plus, ngayon ay nag-start na rin akong mag-taping ng “Diary of 30 Something” with Alessandra de Rossi, Assunta de Rossi, Karen de Los Reyes, Carla Humpries, and Meg Imperial, with Ricci Chan, Ivan Padilla, at iba pa.

“This is directed by Ms. Ice Idanan. Ito’y para sa Sari-Sari Channel ng Cignal TV and will be aired sa March 23 na.”

Pahabol pa ng award-winning actress, “Tapos eto nga, may award tayo ulit sa

10th Ani Ng Dangal na ibinibigay ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

“Kaya I feel very blessed to be part of such a beautiful project like Laut and to be under Baby Go’s BG Productions and her team… To direk Louie Ignacio for trusting me, playing roles on his films. Sobrang thankful ako sa kanila at sa lahat ng tumutulong sa aking career like Dennis Evangelista, kasama ka na kuya at sa lahat ng press.

“Sobrang thankful po talaga ako sa kanilang lahat, lalo na kay God, my family at sa lahat ng award giving bodies that’s giving me the opportunity to be recognized,” nakangiting saad niya.

Dagdag pa ni Ana, “Ang plans ko ngayon, to get more busy and focus on my career. Hopefully, work on another winning material.

“’Tsaka, I’m saving money kasi for my sister’s operation (hip replacement) and home renovation ng condo ko. Kaya kailangan kong kumayod talaga nang husto.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..