Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By NONIE V. NICASIO

Sobra ang kagalakan ni Joyce Peñas nang makamit niya ang award sa nagdaang 34th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Resorts World Manila.

Itinanghal siya rito bilang Female Star of the Night, ka-tie ng Kapamilya aktres na si Kim Chiu.

Masayang saad ni Joyce, “Imagine, naka-tie ako with Ms. Kim Chiu! Wow! Overwhelmed ako with joy, kasi ang ganda-ganda kaya ni Kim Chiu and she has a lot of fans. Ako, I’m just starting sa showbiz and it’s the first movie I made.

“Sa totoo lang, I was praying na sana I have a chance to win, pero kahit hindi ako nanalo ay feeling ko winner din ako. Kasi, kasama ko sila, isa ako sa nominated.

“I only see Kim Chiu sa movies and I love her a lot, that’s why I was so happy when I finally met her personally on stage as I received my gift… She is really beautiful and sweet. I wish her more success!”

Bukod sa pagiging aktres at movie producer, si Joyce ay isang beauty queen, model, at fashion and jewellery designer.

Isa rin si Joyce sa nominado sa kategoryang New Movie Actress of the Year para sa pelikulang New Generation Heroes na tinampukan din nina Aiko Melendez, Jao Mapa at Anita Linda.

Kasama ni Joyce na nominado sina Joanna Ampil (Ang Larawan), Mary Joy Apostol (Birdshot), Maymay Entrata (Loving In Tandem), Maxine Medina (Spirit Of The Glass 2: The Haunted), Yen Santos (Northern Lights: A Journey To Love), Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy), Jemina Sy (Bubog), Adrienne Vergara (Bliss), at Pia Wurtzbach (Gandarrapido: The Revenger Squad).

Nagtabla sa kategoryang ito sina Pia Wurtzbach at Joanna Ampil.

Dahil sa nominasyong ito, nabanggit ni Ms. Joyce na mas gaganahan siyang gumawa at magprodyus pa ng ibang pelikula.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..