Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

By RK VILLACORTA

Dalawa lang pala sa mga artista ng ABS-CBN ang may kakaibang contract sa network management.

Ang tinutukoy naming ay ang “guaranteed contract” ni John Lloyd Cruz (isa rito si Piolo Pascual).

Kapag sinabing guranteed contract, hindi ka lang exclusive talent ng ABS CBN na aalagaan ka nila kundi binayaran ang kontrata mo sa kanila.

In short, with or without a project ay bayad ka na. Binayaran na nila ang serbisyo na gagawin mo sa kanila bilang isang artista.

No need to rush for a new television show or a new movie kapag natapos na ang mga ito para ma-achieve mo ang panibagong talent fee dahil may ginagawa ka man sa kanila or wala, ang araw na dumadaan or panahon na nasa waiting period ka, no worries dahil kumikita ka.

Kaya si Lloydie, hindi takot kung nagluka-lukahan man siya, kung ganun nga sana ang takbo ng utak niya. Pero iba ang pag-ibig na tumama sa aktor para dumating siya sa point na mag-decide na mag-quit sa showbiz.

Pero iba. Iba ang isang John Lloyd Cruz. Kung doon siya masaya, gorahbelles. Buhay niya yun. Gusto niya maging masaya. Karapatan niya yun.

From a very reliable source, tuluyan nang iniwan ni JLC ang Kapamilya Network sa panahon na he decided to quit showbiz mula ng ma-involved siya sa kanyang lady love na s Ellen Adarna.

Yes, Lloydie is no longer a Star Magic Artist (at patunay yong hindi niya pagkasama sa 2018 Star Magic Catalogue and a Kapamilya actor); since he decided to return an amount of money in millions sa ABS-CBN nang mapagtanto niya na mas masaya siya sa piling ng mahal niya na si Ellen and at the same time at gusto na muna niya magpahinga nang tuluyan sa showbiz.

Kung nakatali marahil siya sa kontrata niya sa Kapamilya Network, maalamang mauudlot ang kanyang kasiyahan dahil sa mga showbiz commitments niya.

Anuman ang naging desisyon ng aktor, he deserve to be happy.

Napakarami nang naipon ng aktor sa pag-aartista at pagiging celebrity endorser. Ang tsika, multi-million na ang naipon niya. From art works (paintings) worth around P500 Millions and real estate properties owning big and tall buildings, hindi na siya magugutom pati ang pamilya niya at magiging mga apo kahit celebrity lifestyle pa rin ang magiging buhay nila kung sakaling hindi na siya bumalik sa pag-aartista.

But with the likes of JLC, personally, I want to see him again sa big screen or on television. He is his own diamond na iba ang brilyo.

Basta ako, hihintayin ko ang araw na ito. Iba kasi si Lloydie.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..