Friday 22nd June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bata pa lang ay hilig na talaga ng child actress na si Jil Demski ang pag-aartista. Kaya sa gulang na lima ay nagsimula na siyang mag-worksop. Habang namamasyal sa mall ay may nakakita sa kanyang talent manager at doon na nagsimula ang kanyang career. Mula sa pagiging commercial ramp model, sumabak na rin siya sa pag-arte.

Nakalabas na si Jil sa Maalaala mo Kaya bilang anak nina Xian Lim at Shy Carlos, pati na sa Ika-6 na Utos ng GMA-7.

Sa ngayon ay tinatapos na ng child actress ang pelikulang The Lease, gumaganap siya rito bilang si Althea, anak ng mga bida ritong sina Ruben Soriquez at Garie Concepcion. Ito ay mula sa pamamahala ng Italian director Paulo Bertola at buhat sa Utmost Creatives Production. Mapapanood din siya sa isang TV series very soon.

Ipinahayag ni Jil na sobrang saya niya sa pagkakasali sa pelikulang The Lease.

“Happy po ako and nag-eenjoy talaga ako sa shooting ng movie, ito po kasi ang first movie ko. Plus, the place is too relaxing po, yung Villa Nonita is a perfect place for the movie. Lahat ng staff love na love po ako, lahat po, from the director, writer, lahat ng cast, close po ako sa kanila,” saad ng nine year old na si Jil na Grade-3 sa Bloomridge Integrated School of Quezon City.

Ano ang masasabi niya kina Garie at Ruben?

“Si Tita Garie is so friendly, she’s so sweet… after ng shoot namin ay lagi po kaming nagkukuwentuhan. She’s not maarte and a good actress like her dad (Gabby Concepcion), espcially since naka-work ko rin po si daddy niya sa seryeng Ika-6 na Utos…

“Si Tito Ruben naman po is very kind, he’s a joker in real life at madalas po kami magbiruan. He’s also very caring, tinatanong niya ako lagi like kung kumain na po ba ako o pagod na… he’s really like my dad,” nakangiting saad pa ni Jil na nasa ilalim ng pangangalaga ni Becky Aguila. (NONIE V. NICASIO)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..