Monday 25th June 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


By NONIE V. NICASIO

Tiyak na magbubunyi ang mga tagahanga ng Pambansang Bae na si Alden Richards dahil humakot ng nominasyon ang Kapuso star sa darating na 9th PMPC Star Awards for Music.

Sa aming bilang, umabot sa siyam na nominasyon ang nakuha ng ka-love team ni Maine Mendoza para sa taong ito sa Star Awards For Music.

Inilabas ngayon ng PMPC ang mga nominado sa naturang event at dito nga’y kapansin-pansin na maraming nominasyon ang nakuha ng tinitiliang Dabarkads ng “Eat Bulaga.”

Ang listahan ng mga nominasyong natamo ni Alden ay ang Song of the Year (‘Rescue Me’ – GMA Records), Male Recording Artist of the Year (‘Say It Again’ – GMA Records), Album of the Year (‘Upsurge’ – GMA Records), Concert of the Year (‘Upsurge’ – GMA Network at GMA Records), Male Concert Performer of the Year (‘Upsurge’ – GMA Network at GMA Records), Music Video of the Year- ‘Your Guardian Angel’ (director: Miggy Tanchanco-GMA Records), Pop Album of the Year, Male Pop Artist of the Year, at Album Cover Design of the Year (‘Say It Again’ – GMA Records).

Kabilang sa mga makakatunggali ni Alden para sa coveted na Song of The Year award sina Julie Anne San Jose para sa kantang ‘Chasing The Light’ ng GMA Records, Iñigo Pascual ng kanyang awit na ‘Dahil Sa’yo’ (Star Music), Michael Pangilinan’s ‘Hanggang Kailan’ (Star Music), James Wright ng awit niyang ‘My Destiny’ – (GMA Records), ni Yeng Constantino para sa ‘Paasa’ (Star Music), at Sud para sa kantang ‘Sila’ (Warner Music Philippines).

Hindi pa inaanunsiyo ng pamunuan ng PMPC kung kailan gaganapin at kung saan ang venue ng kanilang 9th Star Awards for Music

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..